Kahapon nang umaga, nanunuod ako ng Unang Hirit sa GMA. Iniinterview ni Arnold Clavio ang tandem na Erap at Binay. Focus tayo kay Erap.
Umagang-umaga di ba tapos siyempre ung boses ni Erap, boses lasenggo, maririnig mo. Tinanong siya kung ano ang plataporma nila. Sabi niya:
- Peace and order. Tapos long awkward pause. Then,
- Food security. Tapos long awkward sure-ba-ako-sa-sinasabi-ko? pause. Then lastly,
- Corruption. BAM! Ako ung nag-long awkward sure-ka-ba-sa-sinasabi-mo? pause.
Nag-hunos-dili ako. Pinagpatuloy ko ung pakikinig ko hanggang tinanong ulit siya sa mga batikos tungkol sa kaniyang illegitimacy niya sa pagtakbo sa pagka-presidente. Siyempre di ko masiyadong naintindihan kasi medyo it’s too early for usapang lasing.
Naalala ko nasabi ni Clavio na hindi naging maganda ung termino niya dati dahil un nga nakulong siya and all. Sabi niya parang, “Anong panget? Kung titignan mo ung nangyayari ngayon sa dati, mas maganda ung termino ko..” Parang ganon.
Tapos ung mukha ni Clavio parang: WUUUUT. De joke lang. Shempre nagtitimpi na lang siya being the host. Eh biglang inimbita ni Erap si Clavio bilang kasapi ng kaniyang Senatorial Slate. Dito si Clavio nag-WUUUUUUUT talaga. Sabay sign of the cross nang dalawang beses. Feeling ko gusto niya i-B*tch, please si Erap eh, pero lam mo na. Host.
Then siyempre usap-usap tungkol sa deklarasyon ni Erap and Binay. Sa Tondo raw. Lam niyo na ito. Kasi raw dun siya lumaki and peeps niya ung mga nandun kaya dun sila magdedeklara.
YON. Sorry kung medyo informal. Ganun talaga. Para mabago naman. Lam mo na. Heh.
Mag-register ka na nga!