Kamusta?
Sana okay na ang lahat sa inyo.
Pasensya na rin at wala masiyadong posts. Wala naman kasi masiyadong balita tungkol sa halalan, at kung meron man tungkol lamang sa mga ‘kabutihan’ ng ating mga kandidato. Ung tipo ng kabutihan na tila may nakaambang kapalit. Kailangan talaga may nakasabi na galing kay ganito ung pagkain na kinakain mo ngayon. Kailangan talaga may ticket para makakuha ng tulong kay ganito.
Nakakainis. Nakayanang mangampanya pa sa oras ng trahedya at kalungkutan. Nakayanang gamitin ang pagkakataon upang isulong ang pansariling interes imbes na tumulong at makibahagi sa mga nasalanta.
Ito lang muna. Ayoko nang dagdagan baka kung ano pa masabi ko… At hahanapin ko pa ung post tungkol sa kabutihan ni Gordon nang ma-reblog ko na rin.
At sa mga bagong followers ko, salamat po! Patuloy lamang tayong lahat. :)