2010 Philippine Presidentiables

KAIBIGAN, HINAHAMON KITA.

Wait lang, nag-register ka na ba?

| ohyeah2010elections@gmail.com |

permalink

HINAHAMON KITA.

Kaibigan!

Ginawa ko ito para sa iyo. Oo, para sa’yo! Kasi alam ko na sa mga susunod na buwan, maiirita ka na sa mga posters at commercials ng mga tatakbong pagka-presidente. Bubusugin na naman tayo ng mga kandidato na ito ng mga salitang mahalimuyak na nagngangako na naman ng pag-asa at pagbabago para sa ating bansa.

Oo, ako rin alam na wala naman talaga nangyayari pagkaluklok nila sa puwesto. Ako rin umatim ng pag-asa at pagbabago, at ako rin nadismaya nang hindi ko naramdaman itong mga pangako nila. Ako rin biktima. At dahil dito, nawawalan na rin ako ng tiwala pati na rin sa mga bagong kandidato. Paano nga ba naman tayo makasisiguro na gagawin nga nila ang kanilang mga pangako?

Hindi ko rin alam.

Bilang isang nag-aalalang mamamayan, ang alam ko lang na maaari kong gawin ay kilalanin at bantayan itong mga bagong kandidato. Sa mga susunod na posts/reblogs ng account na ito na lahat patungkol sa mga kandidato, unti-unti natin silang pag-aralan, kilatisin, at bantayan, at nawa’y matutunan din nating kumiling sa kandidatong sa tingin natin ay ang kailangan ng bansang ito.

Hindi ko mamasamain ang kandidato mo, wag mo rin gawin ito sa aking kandidato. Ang gusto lang natin mangyari ay aktibo tayo sa pagkilala, pagpili at pagboto ng gusto nating kandidato. Malay mo isa nga sa mga kandidato natin ang siya ngang makapagbibigay ng pag-asa at pagbabago para sa ating bansa.

Oo, naniniwala pa ako. Sana ikaw rin.

Ikaw bilang bagong botante, Ikaw bilang muling botante, Ikaw bilang biktima ng mga pangakong napapako: Mangyaring tumayo ka, hugutin ang natitirang pag-asa, at ipakita ang puwersa ng nangingialam at nakikisangkot na Pilipino. Humugot tayo ng pag-asa sa isa’t isa at isiping dala-dala natin ang puwersang makapagdudulot ng magandang resulta sa halalan. Patunayan natin, sa ating mumunting paraan, na ang puwersang ito ay hindi kailanman maisasantabi.

Kaibigan, hinahamon kita.

Comments (View)
blog comments powered by Disqus